![]() |
| Didyital Gadyet na tumutulong sa pangangailangan ng tao... |
Isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami nang mga naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo. Halimbawa na lamang nito ay ang unang praktikal na teleskopyo noong ika-17 na siglo. Ito ay nagsilbing mahalagang instrumento sa mga mag-aaral ng astronomiya. Sunod dito ay ang makinalya na nagbigay daan para sa hustong pagbabago ng sistema ng pagtuturo kung saan mas napabilis at epektibo ang pagbuo ng mga basahin. Sa loob lamang ng ilang dekada, ang kompyuter naman ay naging pangunahing kagamitan para sa pagtuturo sa ika-21 na siglo.
Ang “Online Writing” ay isang uri ng digital literacy na may kinalaman sa paggamit ng teknolohiya sa pamamagitan ng kompyuter.Dito magpapahayag ang mga kabataang manunulat sa paggamit ng “blog sites”. Ito rin ay isa sa bagong kategorya sa larangan ng journalism na sinimulan lamang noong nakaraang taon. Mahalagang maunawaan natin ang paggamit nito upang maipahayag natin ang atin mga saloobin na naayon sa ating puso at isipan.
Minsan sa paggamit natin ng didyital gadyet ay nasisira ito. Ngunit marami namang paraan upang mapangalagaan natin ang mga ganitong gamit. Una, pangalagaan ito, dahil kung minsan ay hindi maingat sa gamit ang isang tao. Pangalawa, huwag ito ipahiram sa ibang tao, at baka iyan ay masira pa. Pangatlo, iwasan dalhin sa mataong lugar, hindi natin alam kung anong mangyayari doon.
Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng ibat-ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tatandaan na nararapat natin gamitin ng wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya.


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento